PETA: TBY?

dahil matagal na din ako di nagpopost, babawi ako sa post na ito.

napakaraming bagay na pwede nating tingnan sa organisasyong ito:

* pagssusulong ng "no to animal fur movement" sa pamamagitan ng paggamit ng hubo't-hubad na larawan ng mga kababaihan, ergo, paglabag sa karapatan ng mga kababaihan sa ngalan ng karapatan ng mga hayop.

* pagpropromote ng pag-inom ng beer imbis na gatas upang mabawasan ang konsumo ng gatas nga mga tao. how brilliant *sarcastic*

* pag-uuna sa karapatang pang-hayop kaysa sa karapatan ng tao (halimbawa na lamang ay pagkakaroon ng concern sa isang donkey na ginamit bilang suicide bomb kaysa sa mga taong namatay at nasugatan dahil sa suicide bomb attack sa Palestine).

kayo na ang humusga kung TBY ang org na ito.

dito galing ang litrato

1 comment:

  1. parang anlabo nga nung part ng donkey-for-bomber part... inuna pa nila yun

    pero kasi, wala kasing choice yung hayop sa pagdadala ng bomba nya. conversely wala ding magagawa yung mga masasabugan ng bomba, tao man o squirrel ang may dala ng bomba.

    pero PETA girls are very, well, compelling...

    ReplyDelete

hinggil sa TAMA BA YAN

kung naghahanap ng seryosong usapan
kung naghahanap ng sagot sa problema
kung naghahanap ng sasagip sa bayan
kung naghahanap ng TAMA
o kahit na wala naman talagang hinahanap

ayusin mo'ng buhay mo
dahil malamang naligaw ka

ang blog na ito ay mali
hindi dapat ginawa
hindi na sana tinuloy
hindi nagmamarunong
hindi nagpapautang
hindi rin sinasadyang
nasa HUMOR section ng Topblogs
(Home and Living sana eh)

samakatuwid,

walang kakwenta-kwenta

tungkol ito sa mga diskarteng MALI

dahil kung tanggap ang pagkakamali
pwede nang may mabago

bago pa maging korni
(wala na ngang kwenta korni pa)
isang DISCLAIMER muna
walang sisihan sa masasayang na oras
sa mga hindi natuwa
feel free na siraan ang TBY blog

lakas ng tama

TBY Blog Roll